Eto ‘yung baby ko. Bambam ang pangalan niya. Mahal na mahal ko ‘to. 5 months na siya this coming 7th of April. 5 months palang siya pero kasinglaki na niya ‘yung nanay niya.
Sobrang lambing netong baby kong ito. Lagi niyang gustong makipaglaro. Tapos kapag nakaupo ako sa harap ng computer, gusto niya magpabuhat para sa lap ko siya hihiga. O kaya naman, kakagatin ‘yung kamay ko. Pinaglalaruan niya. Haha. Kasi gusto niya, kasama ako, or kung sino man samen ni Kulot.
Isa ‘to sa mga bagay na sobrang mamimiss ko kapag nasa dorm na siguro ako. Haha! Baby ko to eeh.